SMILE Taytay Farmers Fair 2025
- Taytay, Rizal
- 2 days ago
- 1 min read

Inihahandog ng mga magsasaka, mangingisda, urban gardenista, Gulayan sa Paaralan, Taytay Municipal Agricultural & Fisheries Council (M.A.F.C), kasama ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pamumuno ng ating Mayor Allan Martine De Leon, MPA at sa pamamagitan ng Pambayang Tanggapan ng Agrikultura, ang 𝗦𝗺𝗶𝗹𝗲 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗙𝗮𝗶𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟱: "𝗠𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮'𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮, 𝗦𝘂𝘀𝗶 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁𝗶 𝗮𝘁 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮".
Ito ay gaganapin sa darating na Mayo 30, 2025 (Biyernes), 8:00 AM hanggang 12:00 PM sa Parking Lot ng Munisipyo.
.
Tunghayan ang pagtatampok at mamili ng iba't-ibang produkto ng ating mga lokal na magsasaka at mangingisda, gayundin ang ating mga urban gardenista at mga Gulayan sa Paaralan sa gaganaping Booth Competitions.
Ang ating Pamahalaang Bayan at Tanggapan din ay mamahagi ng mga sumusunod:\
Libreng seeds
Libreng fertilizer
Libreng tree seedlings
Libreng IEC materials
Sugod na at suportahan ang sektor ng Agrikultura at Pangingisda!