top of page

Made in Taytay: 1st Garments and MSME Expo


1st Taytay Garments and MSMe Expo
Courtesy: Taytay Public Information Office

Tuklasin ang de-kalidad at abot-kayang mga produkto mula sa mga lokal na negosyante ng Taytay at iba’t ibang MSMEs!


Mahigit 100 exhibitors mula sa iba’t ibang sektor ng industriya ng pananamit at maliliit na negosyo ang lumahok sa kauna-unahang 'Garments and MSME Expo' na opisyal na ginanap sa Megatrade Hall 1, SM Megamall nitong nakaraang Mayo 23-25, 2025.


Ang Expo ay layuning ipakita at itaguyod ang mga dekalidad na produktong likha ng mga taga-Taytay—kilala bilang "Garments Capital of the Philippines." Tampok sa nasabing kaganapan ang mga makabago at malikhaing disenyo ng kasuotan, mga handcrafted accessories, lokal na pagkain, at iba pang produkto mula sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ng bayan ng Taytay.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Hindi alintana ng mga mamimili ang dami ng tao sa venue, dala ng kanilang kagustuhang suportahan ang mga lokal na negosyante at tuklasin ang iba't ibang produktong de-kalidad na likha ng mga MSMEs. Mula sa mga makabago at makukulay na disenyo ng kasuotan, hanggang sa mga handcrafted accessories at iba pang novelty items, tunay na naging kapana-panabik ang karanasan para sa lahat ng dumalo.


Kasabay nila sa pamimili ang batikang aktres na si Ms. Patricia Javier, kasama ang kanyang asawang si Dr. Rob Walcher na isang sikat na chiropractor.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Ayon kay Ms. Patricia Javier, malaking bagay ang mga ganitong expo upang mapalakas ang loob ng mga negosyanteng Pilipino at maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado. Pinuri rin niya ang kalidad at pagka-malikhain ng mga negosyanteng Taytayeño.


Sa pagtutulungan ng Taytay Tourism Office, Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO), SMX Convention Center at iba pang sangay ng Pamahalaang Bayan, matagumpay na naisakatuparan ang makasaysayang Expo na nagbibigay plataporma sa mga negosyanteng Taytayeño upang mapalawak ang kanilang merkado at maipakilala sa mas malawak na publiko ang kanilang galing at produkto.


Maraming salamat po sa mga tumangkilik sa likha at produktong gawang Taytay!


Support local, buy local! Tara na! Let's Smile Taytay!

header-website.jpg
bottom of page