top of page

Basic Skills for Responders Training



Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Isinagawa noong Mayo 27–28, 2025 ang 'Basic Skills for Responders Training (BSR Training)' bilang bahagi ng paghahanda sa iba’t ibang uri ng sakuna at emergency. Ang dalawang-araw na pagsasanay ay inilaan para sa mga first responders upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng agarang tugon sa oras ng kalamidad. Isinagawa ito sa inisyatiba ng Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Municipal Fire Marshal Ronaldo P. Nalog.


Layunin ng programang ito ang mas mapalakas at mas mapaghandaan ng lahat ng miyembro ng mga responders ang iba't ibang klase ng sakuna—mula sa pagsugpo ng sunog,hanggang sa mga stratehiya ng pagliligtas, at sa mga emergency response protocols.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Taytay Fire Rescue Unit, Fire Brigade ng limang barangay sa ating bayan at disaster responders mula sa mga pribadong kumpanya.


Bukod sa pagpapalawak ng kasanayan, mas napalalim din ng pagsasanay ang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Fire Protection at ng mga responders mula sa komunidad. Mahalaga ito sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa bayan ng Taytay, at sa pagbibigay ng mas matatag na pundasyon para sa kolektibong pagtugon sa mga sakuna tulad ng sunog.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page