top of page

SMILE Konek: Taytay Municipality's Free Wi-Fi Connection

Updated: Oct 15, 2025


SMILE Konek: Free Wi-fi Connection for Municipality of Taytay
Courtesy: Management Information System Services Office

Mas pinabilis na koneksyon, mas masayang Taytay!


Kumonek at mag-enjoy sa 'Serbisyong May Internet na Libre ang Konek (SMILE) KONEK', ang libreng wi-fi connection sa bayan ng Taytay. Ito ay bahagi ng proyekto ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA na naglalayong gawing mas accessible ang internet para sa lahat—mula sa mga estudyante, negosyante, empleyado, hanggang sa bawat mamamayan ng Taytay.


Narito ang mga lugar na mayroon ng SMILE Konek Free Wi-Fi access points:


1. Taytay Tiangge

2. Bagong Palengke

3. Lumang Palengke

4. Taytay Kalayaan Park

5. San Juan Gymnasium

6. Minor Basilica & Parish of St. John the Baptist

7. HJVZ Emergency Hospital

8. PNP Station & RPHS

9. Taytay Sports Complex

  1. Taytay Municipal Hall

  2. Piling Public Schools


Paano ito magamit? Narito ang step-by-step procedures para magmit ang libreng Wi-Fi Service:


  1. Hanapin ang SSID / pangalan ng Wi-Fi 'Smile Konek' sa Wi-Fi list ng inyong smartphone.

  2. Magregister sa Smile Konek Portal.

  3. Pagkatapos magregister, maari mo na gamitin ang libreng Wi-Fi service.


Mag-online nang walang abala, at makiisa sa mas konektado at mas progresibong komunidad!


Serbisyong may libreng internet sa serbisyong may ngiti.


2 Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
Mi Ra
Mi Ra
Jan 03, 2025

Mayor di ako maka konek

Like

salamat sa free wifi mayor

Like
header-website.jpg
bottom of page