top of page

JobStart Philippines: Soft Core Skills Training

JobStart Philippines: Soft Core Skills Training
Courtesy: Taytay Public Information Office

Nilahukan ng 85 Out-of-School youths mula sa Taytay ang unang araw ng 10-day Soft Core Skills Training sa ilalim ng JobStart Philippines Program na ginanap nitong ika - 16 ng Hunyo 2025 sa SMILE Trainiing Instiitute, 3rd Floor Manila East Arcade 2. Dinaluhan ito nina Hon. Allan Martine De Leon, MPA, Councilor - Elect Kiko Esguerra at Councilor Joan Calderon


Layunin ng training na ihanda ang mga kabataan sa mundo ng trabaho sa pamamagitan ng mga makabuluhang soft skills tulad ng communication, teamwork, professionalism, at work ethics.


Courtesy: Taytay Public Information Office


Isa sa mga naging panauhing tagapagsalita ay si Mr. Al Patrick Utanes mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), na nagbahagi ng kanyang kaalaman at inspirasyon sa mga dumalo patungkol sa kahalagahan ng pagiging handa sa trabaho at mga oportunidad sa labor market.


Kasama rin sa programa ang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Ms. Gina De Leon-Pineda, na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibang makakatulong sa kabataan na makahanap ng maayos at disenteng trabaho.


Tatagal hanggang Hunyo 27, 2025 ang naturang training.


Isang promising na simula para sa mga kabataang handang magsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay bilang future professionals!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page