top of page

Iskolar ng Taytay: General Assembly & Payout Distribution

Iskolar ng Taytay: General Assembly & Payout Distribution
Courtesy: Taytay Public Information Office

Pinangunahan ng Taytay Youth Development Office (TYDO) at ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA ang dalawang - araw na Iskolar ng Taytay General Assembly at Payout Distribution na ginanap sa Manuel I. Santos Integrated School nitong nakaraang Hunyo 6 - 7, 2025.


Dinaluhan ito nina Dr. Carl E. Balita na nagbigay ng talakayan tungkol sa Career Success, Ms. Erika Dale Dimaunahan, RN mula sa Department of Health (DOH) - Rizal, na nagtalakay tungkol sa Mental Health Awareness, at Mr. Anthin De Guzman na nagbahagi ng kaalaman at kamalayan tungkol sa HIV/AIDS sa ating mga kabataan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Nakasama ng ating mga kabataan sina Vice Mayor-Elect Jan Victor Cabitac, Councilor Elaine Leonardo, Councilors-Elect JV Valera, Kiko Esguerra at Cai Cortez, Liga ng Barangay (LnB) President Kap. Roseller Valera, at ang iba't-ibang sangay ng Pamahalaan na umalalay sa matagumpay na kaganapang ito.


Ang programang ito ay hindi lamang nagbigay ng tulong pinansyal para sa mga mag-aaral kundi naging pagkakataon din upang kilalanin ang kanilang sipag at dedikasyon sa pag-aaral—mga kabataang itinuturing nating pag-asa ng bayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang patuloy na suporta at isang mainit na pagbati para sa mga Isko at Iska ng ating bayan!


Padayon para sa mga Kabataang Taytayeño!


Para sa Diyos, Bayan, at Kababayan.


Tara na! Smile Taytay!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page