top of page

YES Painting Contest

Tara Na, Sali Na Sa YES Painting Contest!


Muling inaanyayahan ang mga Rizaleñong mahilig magpinta lalo na ang mga nasa marginalized sector na sumali sa YES Painting Contest na may temang "𝗕𝗮𝗻𝘆𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗼 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗻𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗵𝗮𝘆" na sumisimbulo sa kakayahan, katatagan at pagkakaisa ng Rizaleño.


Courtesy: Nina Ynares / Lalawigan ng Rizal (Official)

Narito ang mechanics ng naturang paligsahan:

  • Bukas ito sa lahat ng Rizaleño artists maging ang mga winners at non-winners sa nakaraang contest gayundin ang mga artists mula sa iba’t ibang sektor tulad ng persons with disabilities (PWDs), persons deprived of liberty (PDLs), atbp.

  • Ang size ng canvas na pagpipintahan ay dapat 4ft. x 8ft.

  • Isang entry lamang bawat kalahok.

  • Ang painting ay kailangang naka focus sa tema at kailangan ding may lagda ng artist kasama ang taon kung kailan ito pininta.

Ang lahat ng nais sumali ay kailangang ipasa ang kanilang entry, kasama ang mg sumusunod na dokumento:

  • Photo ng kanilang painting (8.5x11 letter size paper)

  • Barangay Certificate of Residency

  • Entry form sa Provincial Information Office

Narito ang mapapalanunan ng mga kalahok:


𝟭𝘀𝘁 𝗣𝗿𝗶𝘇𝗲 - 𝗣𝟭𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬

𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗶𝘇𝗲 - 𝗣𝟳𝟱,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬

𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗿𝗶𝘇𝗲 - 𝗣𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬

𝟭𝟬 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗼𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗶𝘇𝗲𝘀 - 𝗣 𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬 𝗲𝗮𝗰𝗵


Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tumawag sa Provincial Information Office sa 8256-3000 loc. 4801/4802 o mag-email sa provinceofrizal@yahoo.com.


Para sa karagdagnag impormasyon, maaring bisitahin ang link kaugnay sa Painting Contest.


Tayo na ipakita ang angking galing sa sining! Sali na!

Recent Posts

Featured Posts

Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

Follow Us

  • Mayor Allan De Leon
Mayor
Allan De Leon

Taytay
Public Information Office

bottom of page