Voters Registration Reopens for 2026 Barangay and SK Elections: What You Need to Know
- Taytay, Rizal
- Oct 20
- 1 min read
Updated: Oct 22

Muling magbubukas ang Voters’ Registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections simula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026. Ang pagpaparehistro ay isinasagawa tuwing Lunes hanggang Sabado, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Para sa Non-Satellite Schedules: sa Office of the Election Officer, Ground Floor, Manila East Arcade II Building, Don Hilario Cruz Avenue, Barangay San Juan, Taytay, Rizal (Malapit sa All about Dioza at Taytay Municipal Hall) ang voters' registration. Maaring i-click ang link na ito para makita ang aktwal na lokasyon ng COMELEC - Taytay sa Google Maps.

Para sa Satellite Voters Registration: narito ang schedule sa mga sumusunod na lugar:

Narito ang mga uri ng aplikasyon na tatanggapin ng COMELEC para sa Voters' Registration:

Sino ang maaring magparehistro? Narito ang mga sumusunod:

Sa mga magpaparehistro, narito ang requirements / dokumento na dapat dalin. Paalala, hindi na tatanggapin ng COMELEC ang Barangay Identification/Certification, Community Tax Certificates (CEDULA), PNP clearance at Company ID bilang valid identification documents para sa voters' registration.

Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Taytay at ng COMELEC ang lahat ng Taytayeño—lalo na ang mga bagong botante, nagbago ng tirahan, o nais mag-reactivate ng kanilang registration—na magtungo sa COMELEC - Taytay o sa satellite registration venues sa itinakdang panahon.
Ang mga detalye at karagdagang anunsyo kaugnay ng registration period ay maaaring tingnan sa Taytay Public Information Office Facebook Page.






































Comments