126th Araw ng Dolores: Pananampalataya at Pag-asa sa Kapistahan ng Mahal na Birheng Dolorosa

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birheng Dolorosa nitong Setyembre 15, 2026, nagsama-sama ang mga deboto sa Banal na Misa na ginanap sa Dolores Chapel. Pinangunahan ni Rev. Fr. Aly Barcinal - Rector and Parish Priest ng Diocesan Shrine and Parish of St. Clement – Angono ang Banal na Misa.
Matapos ang banal na pagdiriwang ay sinundan ito ng isang maringal na prusisyon ng pinakabagong replica ng Mahal na Birheng Dolorosa, na nilahukan ng mga deboto bilang pagpapakita ng kanilang malalim na pananampalataya, paggalang at debosyon sa Mahal na Ina.
Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Mayor Allan De Leon
Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon
Sa bawat hakbang ng prusisyon, kasabay ang taimtim na panalangin ng mga deboto, muling naalala ang mga dalamhati ni Maria—isang Ina na nanatiling matatag sa kabila ng sakit at pagdurusang kanyang nasaksihan. Nawa'y sa pagninilay sa halimbawa ng Mahal na Birheng Dolorosa, matutuhan din nating harapin ang sarili nating mga pagsubok nang may pananampalataya, pagtitiis at pag-asa.
Sapagkat sa bawat pagdurusa, may panalanging maaaring ialay. Sa bawat luha, may Diyos na nakikinig. At sa bawat Krus na ating pasan, nawa'y magkaroon tayo ng lakas na magpatuloy.
Viva La Virgen! Mahal na Birheng Dolorosa, Ina ng mga Nagdurusa, ipanalangin mo kami!
















































Comments