top of page

Urban Poor Solidarity Week 2025

Urban Poor Solidarity Week 2025
Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa pangunguna ng Urban Poor Affairs Office (UPAO), matagumpay na ipinagdiwang noong Disyembre 5, 2025 ang Urban Poor Solidarity Week na may temang "Sama-sama sa Pag-alpas sa Bagong Pilipinas", bilang pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pambansang selebrasyon na ito.


Dumalo sa naturang programa ang mga kinatawan mula sa MERALCO, Manila Water, at iba pang sektor na may kinalaman sa urban development upang talakayin ang mga mahahalagang usapin at solusyon kaugnay ng serbisyong pangkomunidad at patuloy na pagsulong ng maayos at ligtas na pamumuhay para sa mga pamilyang maralita sa Taytay.


Nagbigay rin ng mensahe ng suporta sina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, mga miyembro ng ika-13 Sangguniang Bayan, Kapitan Roseller Valera at mga miyembro ng Sangguniang Barangay.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Bilang bahagi ng programa, nagkaloob din ang Pamahalaang Bayan ng mga NegoCart at Sewing Machines upang magbigay ng dagdag na kabuhayan at tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga kababayan.


Patuloy naman ang pagsuporta ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa mga programang nakatuon sa pagtataguyod ng kapakanan, oportunidad, at mas maayos na pamumuhay para sa bawat pamilyang maralita.


Sama-sama para sa mas inklusibo, mas maunlad at naka-ngiting Taytay!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page