Urban Fire Olympics 2026
- Apr 13
- 1 min read

Nagtagisan ng bilis, estratehiya, at abilidad ang mga kalahok sa ginanap na Urban Fire Olympics 2026 na pinangunahan ng Taytay Fire Station nitong nakaraang April 8, 2026.
Ang naturang paligsahan ay nilahukan ng Taytay Mun. Disaster Risk Reduction Management Office –Taytay Fire and Rescue Unit (MDRRMO - TFRU), mga barangay, at mga pribadong institusyon na nagpakita ng kanilang kahandaan, koordinasyon, at teamwork sa iba’t ibang firefighting challenges na layuning mas mapalakas ang kakayahan sa pagresponde sa oras ng emerhensiya.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, mas napapaigting ang koordinasyon at kahandaan ng mga community responders upang mas mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Congratulations sa lahat ng nagwagi at nakilahok! Patuloy na magsilbing inspirasyon ang inyong dedikasyon at kahandaan sa paglilingkod para sa kaligtasan ng komunidad.












































































































Comments