Turnover Ceremony of the Taytay PNP


Courtesy: Taytay Public Information Office

Pormal ng nanungkulan bilang bagong hepe ng Taytay Municipal Police Station si PLT Col. Francisco K. Panisan matapos isagawa ang turn over ceremony na pinangunahan ng punong bayan Hon. George Ricardo Gacula II at ang bagong Provincial Director PCol. Dominic L. Baccay ng RPPO.


Pinalitan ni PLT Col. Panisan ang kaniyang dating kaklase na si PLT Col. Ban-O na naglingkod sa halos isang taon at pitong buwan bilang hepe ng Taytay Municipal Police Station.


Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa naging pahayag ng bagong hepe ng Taytay PNP, tiniyak niya na kaniyang ipagpapatuloy ang mga nasimulang proyekto sa ilalim ng panunungkulan ni PLT Col. Ban-O at lubos ang paghanga ng sa kaniyang nagawa para sa bayan ng Taytay kaugnay sa pagsugpo ng mga kriminalidad sa ating bayan.


Inisa-isa naman pinasalamatan ni outgoing chief PLT Col. Ban-O ang mga naging kasama sa trabaho na umalalay sa kanya para makamit ang mga pagkilalang natanggap sa kanyangpamumuno.


Pinasalamatan din niya ang Pamahalaang Bayan ng Taytay lalo na kay Hon. George Ricardo Gacula II sa walang sawang suporta sa hanay ng kapulisan.


Pinapurihan naman ni ng ating punong bayan si PLT Col. Ban-O sa magandang serbisyo katuwang ang buong kawani ng Taytay MPS at nakabilang ang bayan sa pinakatahimik ng bayan sa lalawigan. Biniro din ng ating punong bayan si Col. Baccay na gawing espesyal sa kanyang puso ang ating bayan ng dahil siya ay isang ring Taytayeño.


Lubos na hinangaan ng ating punong bayan ang papaalis na hepe dahil kahit nasa panahon ng pandemya at kahit kakaunti lamang ang bilang ng mga kapulisan sa ating bayan ay hindi ito nagpatinag upang maisakatuparan ang kaniyang sinumpaang tungkulin.


Binigyan din ng ating punong bayan ng pasasalamat ang Force Multipliers, Advisory Council at maging ang mga barangay sa pakikiisa sa programa ng pulisya.


Nagsidalo rin ang mga miyembro ng 11th Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Michell Bermundo.



Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts