top of page

TSEK na TSEK sa Trabaho: Taytay PESO, Bida sa Serbisyong Pang-Empleyo

  • Jan 16
  • 2 min read

Courtesy: DOLE - Rizal Provincial Office
Courtesy: DOLE - Rizal Provincial Office

Muling pinatunayan ng ating bayan ang husay sa paghahatid ng serbisyong pang-empleyo matapos makatanggap ng apat (4) na pagkilala ang Public Employment Service Office (PESO) ng ating Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni PESO Manager Ms. Gina De Leon - Pineda sa ginanap na 'FY 2025 Performance Assessment and Planning Exercises' na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) -CALABARZON.


Ang 3 - araw na aktibidad ay ginanap sa National University - Laguna Campus, Calamba City, Laguna, katuwang ang Public Employment Service Office Managers Association of the Philippines (PESOMAP) – CALABARZON Chapter.


Kabilang sa mga parangal na iginawad sa PESO - Taytay, Rizal - sa ilalim ng 1st Class Municipality Category ang mga sumusunod:


  • PESO Employment Information System (PEIS) Champion Awardee


    Courtesy: Taytay Public Information Office
    Courtesy: Taytay Public Information Office
  • High Performing PESO with the Most Number of Programs Implemented


    TSEK na TSEK sa Trabaho: Taytay PESO, Bida sa Serbisyong Pang-empleyo
    Courtesy: Taytay Public Information Office
  • High Performing PESO in the Provision of Labor Market Information


    TSEK na TSEK sa Trabaho: Taytay PESO, Bida sa Serbisyong Pang-empleyo
    Courtesy: Taytay Public Information Office
  • High Performing PESO in the Referral and Placement of Qualified Jobseekers


    TSEK na TSEK sa Trabaho: Taytay PESO, Bida sa Serbisyong Pang-empleyo
    Courtesy: Taytay Public Information Office

Bilang pagkilala sa matibay na ugnayan at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsusulong ng maagap at epektibong paghahatid ng serbisyong pang-empleyo sa Lalawigan ng Rizal, ang mga parangal ay tinanggap ng kani-kaniyang PESO Managers kasama si DOLE - Rizal Provincial Office Head Ms. Celia G. Ariola.



Courtesy: DOLE - Rizal Provincial Office


Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng mahusay at epektibong paghahatid ng serbisyo ng Taytay PESO—isang patunay ng Serbisyong May Ngiti na patuloy na naglalayong magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa ating mga kababayan.


Lubos ang pasasalamat kina Hon. Mayor Allan Martine De Leon, MPA gayundin sa 13th Sangguniang Bayan sa buong suporta at tiwala sa mga programa ng PESO.


Ang pagkilalang ito ay para sa ating lahat.


Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page