Triwil App Launch: Bagong Yugto sa Transportasyon ng Bayan

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, ang Bayan ng Taytay ay muling nagpakita ng inobasyon sa larangan ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng soft launching ng Triwil App.
Ang Triwil App ay isang digital platform na naglalayong gawing mas convenient ang pagkuha ng tricycle ride sa pamamagitan ng easy ride booking, habang nagbibigay ng mas organisadong paraan upang makakonekta ang mga pasahero at tricycle drivers.
Ginanap ang naturang soft launching nitong Setymbre 5, 2026 na pinangunahan ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) at Taytay Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Office (TMTFRO) bilang bahagi ng pagpapakilala ng bagong platform sa ating komunidad. Dinaluhan rin ito ng mga TODA Presidents at mga miyembro, at Homeowners Association (HOA) Presidents.
Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon
Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon
Kabilang sa mga tampok at layunin ng Triwil ang:
Easy Ride Booking – mas mabilis at convenient na paraan ng pag-book ng tricycle.
Ligtas at Maaasahang Biyahe – teknolohiya bilang katuwang sa mas maayos na ride experience;
Tulong sa Tricycle Drivers – pagbibigay ng dagdag na oportunidad upang mas madaling makakonekta sa mga pasahero.
Modernong Serbisyong Pampubliko – paggamit ng digital technology bilang bagong option para sa pang-araw-araw na transportasyon.
Sakay na sa TriWil! Maaring i-download ang application sa Google Playstore at Apple App Store.
Patuloy na bukas ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa mga inisyatibang makatutulong sa pagpapahusay ng mobility, convenience, at serbisyo para sa mga Taytayeño.
















































Comments