top of page

Tree Planting and Clean Up Activity

  • Oct 1, 2025
  • 1 min read
Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa selebrasyon ng 12th YES Anniversary, Sierra Madre Day, at 125th Philippine Civil Service Anniversary, matagumpay na isanagawa ang tree planting at clean-up activity nitong nakaraang Setyembre 30, 2025 sa Glendale Subdivision, Barangay Dolores.


Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng mga kawani sa mga programang pangkalikasan at isulong ang pagiging responsableng lingkod-bayan.



Courtesy: Mayor Allan De Leon & Taytay Public Information Office


Ang aktibidad ay pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), katuwang ang Glendale Homeowners Association at iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan na buong pusong nakiisa sa pagtatanim at paglilinis ng kapaligiran bilang bahagi ng adbokasiya ng YES Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, para sa pangangalaga sa kalikasan at pagsuporta sa sustainable development.


Ang gawaing ito ay isang kongkretong hakbang tungo sa mas malinis, mas luntian, at mas responsableng pamayanan. Isa rin itong patunay na ang simpleng pagkilos, kung sabay-sabay ay may malaking ambag sa paghubog ng mas magandang at maginhawang kapaligiran para sa lahat.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page