The Taytay Tiangge Landmark


Courtesy: Mayor Joric Gacula

Ang ating bayan ay kilala bilang Garments Capital of the Philippines, kung saan dito mismo namimili ang ating mga kababayan mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ng mga de-kalidad, mura, at magagandang mga tela.


Sinisimbolo nito ang kasaganahan at pagbangon ng ating bayan mula sa pandemya ang Taytay Tiangge Landmark. Itinaon natin ang pagpapasinaya nito sa HAMAKA Festival o araw ng pasasalamat nitong nakaraang Linggo, ika-20 ng Pebrero bilang simbolo ng pagtanaw ng utang na loob sa ating Panginoong Maykapal.


Courtesy: Mayor Joric Gacula


Pinangunahan ito ng ating Punong Bayan Hon. George Ricardo Gacula II, kasama ang mga miyembro ng 11th Sangguniang Bayan ang pormal na pagpapsinaya ng naturang marker. Naging takaw atensyon ang binuksang marker sa mga motorista na dumadaan sa Veterans Park gayundin sa mga namimili sa ating pamilihang bayan at tiangge.


Binubuo ito ng malalaking letrang T-A-Y-T-A-Y, na sumisimbolo sa pagiging kilala ng ating bayan dahil sa patuloy na paglago ng garments industry. Minarapat na ito ay ilagay sa lugar kung saan malapit ang Tiangge upang maipagmalaki sa ating mga kababayan at turista na sa ating bayan nagmumula ang mga dekalidad na kasuotan na mabibili lamang sa abot-kayang halaga.

Video: Taytay Public Information Office


Sa gitna ng nararanasang pandemya ay hindi nagpatinag ang ating mga mananahi. Patunay na sila ay lubos na nagsisikap sa kanilang pangunahing pangkabuhayan.


Maraming salamat po sa lahat ng ating Taytayeños, para sa inyong paniniwala at patuloy na pakikibaka para sa ating bayan!


Mabuhay po kayo at ang ating tiangge industry!


Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts