The Taytay Christmas Camp


Courtesy: Taytay Public Information Office

Ramdam na ramdam na natin ang papalapit na Pasko sa pagbubukas ng ating Christmas Camp.


Pormal nang binuksan sa ating bayan ang Taytay Christmas Camp. Must-see ito para sa ating mga Taytayeño, lalo na sa mga chikiting na sabik nang makalabas at makipaghabulan kasama ang kanilang mga kaibigan. Bukod sa makukulay na parol at naglalakihang estatwa, ay may horror house, food bazaar, at mini theme park games din tayo. Lahat ito ay libre.


Courtesy: Taytay Public Information Office


Dinaluhan ito ng ating punong bayan Hon. George Ricardo Gacula II, Pangalawang Punong Bayan Hon. Michell Bermundo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Nagbigay ng pahayag ang Disaster And Risk Reduction Management Office Head Engr. Paula Jane Zapanta kaugnay sa Christmas camp sa ating bayan.


Maari rin itong mapanood na naiere live sa Facebook Pages ng Taytay Public Information Office at Mayor Joric Gacula nitong nakaraang unang araw ng Disyembre taong kasalukuyan:

Live Video Dated December 1, 2021. Courtesy: Taytay PIO


Ang Christmas Camp ay matatagpuan sa Don Hilario Cruz Ave. Club Manila East Complex malapit sa Taytay PNP Temporary Headquarters. Ito'y bukas sa buong buwan ng Disyembre mula 6:00 P.M. - 9:00 P.M.


Congratulations kay Engr. Zapanta at mga miyembro ng ating MDRRM para sa proyektong ito!


Kitakits po tayo sa Taytay Christmas Camp!

Recent Posts
Archive
Featured Posts