The Taytay Bike Lanes


Bike lanes sa Taytay, bakit at paano ito nagsimula?


Nang nagkaroon ng malawakang tigil pasada ang pampublikong transportasyon noong kasagsagan ng pandemya dahil sa pagpapatupad mahigpit na health protocols, marami sa ating mga kababayan, lalo na ang mga frontliners at healthcare workers natin ang piniling magbisikleta upang makapasok sa kanilang mga trabaho.


Maraming mga siyudad at bayan ang sumunod at iniangkop ang kanilang mga kalsada bilang tugon sa pagbabagong ito. Sinikap ng aming Pamahalaang Bayan na sumunod sa yapak ng mga naturang bayan ngunit kailangan pa munang pumasa sa mga requirements ng national government bago maisagawa ang implementasyon ng bike lanes sa ating munisipalidad.

Courtesy: Mayor Joric Gacula

Kaya ito ang naging inspirasyon ng ating Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Councilor Patrick Alcantara, upang itulak ang pagkakaroon ng mga ligtas at user-friendly na mga bike lanes sa ating bayan.


Matapos ang pag-aaral na isinagawa ng iba't ibang departamento, nakuha natin ang approval at sertipiko ng Department of Transportation (DOTr) upang maging operational na ang mga bike lanes para sa ating mga bicycle riders.

Courtesy: Mayor Joric Gacula

Hindi niyo na po kailangang makipagpatintero sa mga sasakyan sa mga lansangan dahil mayroon na kayong sariling lane. Sa ating bayan, hindi lamang mga PUV drivers ang ligtas kundi pati na rin ang mga Taytayeñong siklista!


Saan ang ruta ng mga naturang bike lanes?

Courtesy: Mayor Joric Gacula

Alamin natin ang ruta kung saan magtatagus-tagusan ang mga bagong lagay na bike lanes sa ating bayan:


1.) Para sa mga Class 2 separated bike lanes: Taytay Diversion Road Ortigas Ave. Extension (Antipolo) Ortigas Ave. Extension (Cainta)


2.) Para sa mga shared roadway: L. Wood St. E. Rodriguez Avenue


3.) Para sa mga protected bike lanes: Manila East Road (Mula sa Veterans Park hanggang Tikling Rotunda) Highway 2000




Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts