Thank You, Ma'am and Sir! Taytay Celebrates Municipal World Teachers' Day 2026

Sa nagdaang Municipal World Teachers’ Day Celebration na inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, katuwang ang Department of Education (DepEd) - Taytay, naging makulay ang pagkilala sa mga ating Ma’am at Sirs na araw-araw na nagbibigay ng kanilang oras, talento, tiyaga, at puso para sa ating mga mag-aaral.
Mas naging espesyal ang pagdiriwang sa pagbisita nina Rizal Provincial Governor Nina Ricci Ynares, Rizal 1st District Board Member Hon. Philip Jeison 'Papoo' Cruz, at Dr. Doris Estalilla ng DepEd Rizal, na nakibahagi sa pagbibigay-pugay sa ating mga guro.
Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Taytay Public Information Office Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon
Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon
Sa loob ng silid-aralan, kayo ang nagtuturo. Sa labas nito, kayo ang patuloy na gumagabay. At sa buhay ng bawat batang inyong nahahawakan, nag-iiwan kayo ng aral na higit pa sa mga nakasulat sa pisara.
Maraming salamat po sa ating mga Guro, sa bawat aral, bawat paalala, bawat paghihintay, at bawat pagkakataong pinili ninyong maniwala sa inyong mga estudyante. Ngayong Teachers’ Day, kayo naman ang aming pinasasalamatan, pinahahalagahan, at ipinagdiriwang.
Mabuhay ang mga guro ng Taytay! Salamat sa inyong pusong laging handang magturo, gumabay, at magbigay-inspirasyon.



















