top of page

Taytay Welcomes LGU Enrile, Cagayan Delegation for Benchmarking and Best Practices Exchange

7 days ago
1 min read
Taytay Welcomes LGU Enrile, Cagayan Delegation for Benchmarking and Best Practices Exchange
Courtesy: Taytay, Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office

Isang karangalan para sa Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal ang pagtanggap sa delegasyon mula sa Lokal na Pamahalaan ng Enrile, Lalawigan Cagayan, sa pangunguna ni Honorable Mayor Miguel B. Decena, Jr. para sa isang Benchmark Visit, Tour at Ocular Inspection noong Setyembre 25, 2026.

Sa pangunguna ng ating Punong-Bayan Honorable Allan Martine De Leon, MPA kasama sina Vice Mayor Jan Victor Cabitac at mga miyembro ng buong 13th Sangguniang Bayan, at ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, malugod na tinanggap ng ating Pamahalaang Bayan ang delegasyon ang pabisita ng mula Enrile, Cagayan LGU para sa isang makabuluhang pagkakataong pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at mga best practices sa pamamahala at paghahatid ng serbisyo publiko.

Bahagi ng pagbisita ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, kabilang ang Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, Public Employment Service Office (PESO), Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO), Management Information System Services (M.I.S.S) Office, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Engineering Office, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

  • Courtesy: Taytay,Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office

Ang ganitong mga benchmarking activity ay mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng inter-LGU cooperation, pagpapalitan ng mga makabuluhang kaalaman at karanasan, at patuloy na pagpapahusay ng mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa LGU Enrile, Cagayan sa pangunguna ni Mayor Honorable Miguel B. Decena Jr., sa kanilang pagbisita at pakikipagpalitan ng kaalaman at karanasan sa ating Bayan.

Laging bukas ang Taytay sa mga katuwang na LGU para sa makabuluhang pagbabahagi, pakikipagtulungan, at sama-samang pag-unlad.

Comments

Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page