Taytay Strengthens Child Nutrition Through Supplemental Feeding Program Monitoring

Isinagawa ng ating Pamahalaang Bayan ang 'Supplemental Feeding Program (SFP) Monitoring' kasama si Project Development Officer II ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Ms. Kathleen Cecille C. Constantino, RND.
Layunin ng monitoring na masubaybayan ang maayos at epektibong pagpapatupad ng programa, gayundin ang pagsunod sa mga itinakdang pamantayan sa paghahanda at pagbibigay ng supplemental meals para sa mga batang benepisyaryo.
Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
Isinagawa rin ang obserbasyon sa mga urban garden ng ating mga Child Development Centers, na nagsisilbing karagdagang pinagkukunan ng mga sariwang sangkap para sa feeding program at nagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran at sustainable na food production.
Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
Courtesy: MSWDO Taytay, Rizal
Sa pamumuno ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA katuwang si Vice Mayor Jan Victor Cabitac at ang 13th Sangguniang Bayan, patuloy na binibigyang-prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang mga programang nagtataguyod sa kalusugan, nutrisyon, at kapakanan ng mga bata.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa DSWD sa patuloy na paggabay, suporta, at pakikipagtulungan sa Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng ating mga batang benepisyaryo.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang mas malusog at mas maayos na kinabukasan para sa bawat batang Taytayeño.



















