top of page

Taytay Showcases Disaster Preparedness in Rescuelympics 2026

  • Jul 29
  • 1 min read

Taytay Rescuelympics 2026
Courtesy: Taytay Public Information Office

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, matagumpay na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng ating Pamahalaang Bayan ang "Rescuelympics 2026", isang kompetisyon na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kahandaan, mabilis na pagresponde, at pagtutulungan sa oras ng sakuna.


Nagtagisan ng husay, disiplina, at kakayahan ang mga kinatawan ng iba't ibang barangay sa serye ng mga hamon at kategoryang may kaugnayan sa disaster response, rescue operations at first aid. Higit pa sa isang paligsahan, naging pagkakataon ito upang mapaigting ang kaalaman at kakayahan ng bawat barangay sa pagliligtas ng buhay at pangangalaga sa komunidad.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Dinaluhan ang programa nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA at Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven Mendoza, MPA, kasama sina Barangay Captain Hon. Hon. Jean Lalaine Calderon, U.A.P ng Barangay Sta. Ana, at Barangay Captain Hon. Inye Pacleb ng Barangay Dolores, bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta sa mga programang nagsusulong ng mas ligtas, mas handa, at mas matatag na pamayanan.


Sa bawat pagsasanay, sa bawat hamon, at sa bawat tamang pagresponde, lalo nitong pinagtitibay ang kakayahan ng bawat Taytayeño na harapin ang anumang panganib.


Sama-sama nating isabuhay ang kultura ng kahandaan tungo sa isang Bayang Nakangiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page