top of page

Taytay Scholars Go Cashless: MOA Signing on Digital Payout System

  • Apr 28
  • 2 min read

Updated: Apr 29

Courtesy: Mayor Allan De Leon
Courtesy: Mayor Allan De Leon

Pormal nang ilulunsad ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, katuwang ang Philippine Veterans Bank, ang cashless na sistema sa pagbibigay ng Scholarship and Educational Assistance Program sa mga Iskolar ng Taytay—isang makabagong hakbang upang mas mapabilis at maging mas episyente ang paghahatid ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.


Ginanap nitong Abril 28, 2026 ang opisyal na paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa 'Taytay Municipal Scholarship and Educational Assistance Program'. Nilalayon nitong mas mapabilis at gawing mas maayos ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga Iskolar ng Bayan.


Ang naturang seremonya ay dinaluhan nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Ms. Charina D. Balanquit - Digital Banking Group Head ng Philippine Veterans Bank, Ms. Rowena B. Nuyda - Branch Banking Sector Sales Division Head and Vice President, Ms. Daisy Serneo - Branch Banking Sector Area Head and AVP, Branch Manager Ms. Alma B. Valdez, LGU Taytay Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven M. Mendoza, MPA at Taytay Youth Development Office Head Mr. John Michael M. Lacson, LPT. Kabilang din sa mga dumalo ang mga Iskolars at Kabataang Taytayeño



Courtesy: Mayor Allan De Leon & Taytay Public Information Office


Sa ilalim ng programang ito, bawat iskolar ay makatatanggap ng sariling ATM card na may bisa hanggang sampung (10) taon. Bukod sa pagiging daluyan ng kanilang financial assistance, maaari rin itong gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, na nagbibigay ng dagdag na kaginhawaan at flexibility sa mga mag-aaral.


Higit pa rito, inaasahang mababawasan ang mahabang pila at manu-manong proseso ng payout, kasabay ng pagpapalakas ng seguridad at accountability sa pamamahagi ng pondo. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lokal na pamahalaan na yakapin ang digitalization upang mas mapabuti ang kalidad ng serbisyo publiko at mas mapadali ang buhay ng bawat Taytayeño, lalo na ng mga kabataang iskolar.


Ang hakbang na ito katuwang ang Sangguniang Bayan ay bahagi ng ating adbokasiya sa pagpapahalaga ng Lokal na Pamahalaan sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang Taytayeño.


Padayon, para sa kabataan, para sa Taytay!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page