Taytay's Sangguniang Bayan Recognized as Provincial Winner in 2025 Local Legislative Awards for 1st to 3rd Class Municipality Category
- Taytay, Rizal
- Oct 15
- 1 min read

Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Rizal ang Sangguniang Bayan ng Taytay bilang Provincial Winner sa 1st to 3rd Class Municipality Category para sa 2025 Local Legislative Awards. Ang nasabing parangal ay iginawad matapos ang isinagawang Validation para sa Local Legislative Awards (LLA) na masusing sinuri ng DILG - Rizal Provincial Awards Committee sa mga dokumento, performance, at iba pang isinumite ng Sangguniang Bayan.

Itinatampok ng pagkilalang ito ang kahusayan at sipag ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pagsusulong ng mabisa, tapat, at makabagong lokal na batas, na naglalayong paigtingin ang transparency, accountability, at mahusay na pamamahala sa bayan.
Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na maghatid ng responsableng polisiya at mga programang tunay na kapaki-pakinabang sa mga Taytayeño.
Muli, isang naka-ngiting pagbati sa Sangguniang Bayan ng Taytay!






































Comments