Taytay Rescue Olympics 2025
- Taytay, Rizal
- Jul 18, 2025
- 1 min read

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025 na may temang "KUMIKILOS: Para sa Kahandaan, Kaligtasan at Katatagan", idinaos ang Rescue Olympics 2025 na pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong nakaraang Hulyo 17, 2025.
Layunin ng programang ito na mas paigtingin pa ang kakayahan ng ating mga Emergency Responders sa pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya sa ating bayan, alinsunod sa mandato ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA na ang bawat kababayan natin sa Taytay ay mabilis nabibigyan ng paunang lunas kung kinakailangan.
Coutesy: Taytay Public Information Office & Taytay Command Center - MDRRMO
Dinaluhan ito ng mga kalahok mula sa mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BRRMO) ng bawat barangay, Taytay Fire Rescue Unit, at kawani mula sa MDRRMO. Dumalo rin sa aktibidad na ito ang miyembro ng ika-13th Sangguniang Bayan na buong pusong sumuporta sa adhikain ng programa, bilang pagpapakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng mga rescuers sa pagtiyak ng kaligtasan ng bawat Taytayeño.
Nagtagisan ng galing, bilis, at husay sa iba’t ibang kategorya ng mga emergency rescue scenarios ang mga kinikilalang makabagong bayani ng ating lipunan, ang mga emergency responders ng ating bayan.
Ang Rescue Olympics ay hindi lamang paligsahan, kundi isang paalala sa ating lahat na ang kahandaan ay responsibilidad ng bawat isa tungo sa isang Bayang Naka-ngiti at Pinagpala - Ligtas, Handa at Payapa.












































































Comments