top of page

Taytay Recognized at the CALABARZON Tourism Excellence Awards 2026

Sep 21
2 min read
Taytay, Rizal Awarded During the CALABARZON Tourism Summit & Excellence Awards 2026
Courtesy: Department of Tourism - CALABARZON Region 4A

Isang karangalan muli ang natanggap ng ating bayan sa larangan ng turismo matapos itong kilalanin bilang Top 8 Overall Tourist Arrivals for 2025 at Top 8 Same-Day Tourist Arrivals for 2025 sa ginanap na 'CALABARZON Tourism Excellence Awards 2026' ng Department of Tourism - CALABARZON.


Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Taytay, Rizal na mapaunlad ang turismo, maitaguyod ang mga lokal na destinasyon at produkto, at maipakilala sa mas maraming bisita ang kultura, talento, at husay ng ating mga kababayan.


Pagpupugay sa Department of Tourism - CALABARZON, sa pangunguna ni Regional Director Marites Castro, sa Rizal Provincial Tourism Office, at sa ating Taytay Tourism Officer Mr. Roel V. Supendio, MBA para sa kanilang mahalagang ambag sa pagsusulong at pagpapaunlad ng turismo, hindi lamang sa Bayan ng Taytay kundi maging sa buong rehiyon ng CALABARZON.


  • CALABARZON Tourism Summit & Excellence Awards 2026
  • Taytay, Rizal is Awarded During the CALABARZON Tourism Summit & Excellence Awards 2026.
  • Courtesy: Taytay, Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office
  • Courtesy: Department of Tourism - CALABARZON Region 4A
  • Courtesy: Department of Tourism - CALABARZON Region 4A
  • Courtesy: Taytay Public Information Office
  • Courtesy: Taytay Public Information Office
  • Courtesy: Taytay, Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office

Kaisa rin sa pagkilalang ito si Chairperson ng Committee on Tourism - Konsehal Carizza Cortez, sa patuloy na suporta at pagsusulong ng mga programa at inisyatibang naglalayong palakasin ang sektor ng turismo sa ating bayan.


Ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating Pamahalaang Bayan, mga lokal na negosyante, tourism stakeholders, cultural workers, at higit sa lahat, ng bawat Taytayeñong patuloy na ipinagmamalaki ang ating bayan. Patuloy nating ipakita ang ganda, kuwento, kultura, at saya ng ating bayan sa mas maraming Pilipino at bisita mula sa iba't ibang panig ng bansa.


Sa pamumuno ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA kasama si Vice Mayor Jan Victor Cabitac at ang 13th Sangguniang Bayan, patuloy ang pagsusulong ng turismo bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad at pagkilala sa natatanging tatak ng Bayan ng Taytay.


Congratulations at Mabuhay ang Taytay!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page