top of page

Taytay Recognized as LGU Exemplar During the Subaybayani Awards 2025

Updated: Nov 28

Taytay Recognized as LGU Exemplar During the Subaybayani Awards 2025
Courtesy: Mayor Allan De Leon

Kinilala ang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal bilang isa sa mga natatanging munisipalidad sa Pilipinas sa pagtataguyod ng kahusayan sa infrastructure governance at sa patuloy na pagsusulong ng makabuluhang pagbabago tungo sa mas mabilis na pag-unlad ng matatag at matatagumpay na komunidad.


Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang prestihiyosong National Subaybayani Awards 2025 na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na ginanap nitong Nobyembre 26, 2025 sa Manila Hotel.



Courtesy: JV Valera & Mayor Allan De Leon


Layunin nitong kilalanin ang mga lokal na pamahalaang nangunguna sa makabago, epektibo, at people-centered na proyekto—lalo na sa larangan ng imprastraktura at pagpapaunlad ng komunidad.


Pormal na tinanggap ang karangalan nina Konsehal Kristofer Charls S. Esguerra, Konsehal Rulf Marius Valera, Planning and Development Office (MPDO) Head Ms. Ma. Fatima Garcia, EnP. at DILG-MLGOO Engr. Jennylynne Alvarez-Sicat, MPA.


Ang parangal na ito ay patunay ng dedikasyon ng Taytay sa tapat, mahusay, at inklusibong pamamahala.



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page