top of page

Taytay Recognized as 6th Place in Local Source Revenue Collections for FY 2024

Taytay, Rizal is recognized as 6th Place in Local Source Revenue Collections for FY 2024
Courtesy: Mayor Allan De Leon

Isang karangalan ang iginawad sa ating bayan sa ginanap na 38th Anniversary Stakeholders’ Recognition ng Bureau of Local Government Finance (BLGF), kung saan kinilala ang Bayan ng Taytay bilang 6th Place sa Local Source Revenue Collections for FY 2024.


Tanging mga Bayan ng Taytay at Cainta lamang sa Lalawigan ng Rizal ang kabilang sa mga kinilala ng Department of Finance (DOF) - BLGF sa buong bansa — isang patunay ng mahusay na pamamahala at matatag na lokal na ekonomiya. Kinilala din ang ating lalawigan sa pamumuno ni Gov. Nina Ynares bilang Top 3 sa Local Source Revenue Collections for FY 2024.



Courtesy: Mayor Allan De Leon and Taytay Public Information Office


Ang parangal na ito ay bunga ng sipag, disiplina, at tapat na paglilingkod ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, katuwang ang Sangguniang Bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at ang bawat isang Taytayeño na patuloy na nagtitiwala sa mga programang nag-aangat sa ating bayan.


Ang tagumpay ng ating bayan ay tagumpay din ng bawat mamamayan!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page