Taytay, Pinalakas ang Ugnayan sa DMW, OWWA, DOLE, TESDA

Makasaysayan ang ika‑25 ng Agosto 2026 para sa ating bayan, nang ganapin ang pormal na lagdaan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ating Pamahalaang Bayan at ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kasabay nito, matagumpay ding isinagawa ang ribbon cutting at pagbabasbas ng bagong opisina na matatagpuan sa Manila East Arcade 2 Building (katabi ng at Taytay Municipal Hall) upang mas mapabilis at mapalapit ang serbisyo sa publiko.
Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon Courtesy: Mayor Allan De Leon
Courtesy: Mayor Allan De Leon
Sa patuloy na paggabay at suporta mula sa ating Pamahalaan at ng Sangguniang Bayan, ang pakikipagtulungang ito ay naglalayong maghatid ng mas malawak na serbisyo para sa kabuhayan, proteksyon, at kasanayan ng bawat mamamayan.
Narito ang mga pangunahing benepisyong hatid ng programang ito para sa lahat ng Taytayeño:
1.) Proteksyon sa mga OFW: Mas mabilis na tulong at suporta mula sa DMW at OWWA para sa ating mga makabagong bayani at kanilang pamilya.
2.) Trabaho at Kabuhayan: Higit na malawak na oportunidad sa trabaho at mga programang pangkabuhayan sa tulong ng DOLE.
3.) Libreng Pagsasanay: Dekalidad na skills training at sertipikasyon mula sa TESDA upang mas maihanda ang ating mga kababayan sa lokal at internasyonal na trabaho.
Isang patunay ito na sa nagkakaisang pamunuan, patuloy ang pag-angat ng antas ng pamumuhay sa bayan ng Taytay!















































Comments