Taytay Medical Mission Empowers PWDs During National Disability Rights Week 2026
- Jul 21
- 1 min read

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week 2026, nagsagawa ng Medical Mission ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office katuwang ang Municipal Health Office (MHO) nitong nakaraang Hulyo 18, 2026 sa San Juan Gymnasium.
Na may temang "Rights First, Legislation Forward - Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development", layunin ng aktibidad na mailapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at iba pang programa ng pamahalaan sa mga persons with disabilities (PWDs) at sa iba pang benepisyaryo ng ating bayan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical check-up, dental services, electrocardiogram (ECG), Random Blood Sugar (RBS) testing, libreng gamot hatid ng Rolling Botika, Family Planning, at PhilSys Registration hatid ng Philippine Statics Authority.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng ating Pamahalaang Bayan ang isang inklusibo at maagap na serbisyong pampubliko na nagbibigay-pansin sa kalusugan, kapakanan, at karapatan ng bawat Taytayeño, lalo na ng mga persons with disabilities.
Bahagi rin ito ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na matiyak na ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan ay naaabot ng lahat, nang walang naiiwan.




























































Comments