Taytay LGU's Courtesy Visit to National Privacy Commission
- Taytay, Rizal
- Oct 17
- 1 min read
Updated: Oct 20

Bumisita ang mga kawani mula sa Pamahalaang Bayan ng Taytay kasama ang Municipal Legal Services, Management Information System Services (MISS), at Sangguniang Bayan Offices sa tanggapan ng National Privacy Commission (NPC) na pinamumunuan ni Privacy Commissioner and Chairman Atty. John Henry D. Naga. Ginanap itong pagpupulong noong Oktubre 13, 2025 sa National Privacy Commission Office, Quezon City.
Layunin nito na higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng Data Privacy Act of 2012 (R.A. 10173) sa mga operasyon ng lokal na pamahalaan, partikular sa maayos na pangangasiwa at proteksyon ng personal na impormasyon ng mga mamamayan ng Taytay.
Courtesy: Taytay Public Information Office
Tinalakay sa pagbisita ang mga isyu at pangangailangan ng ating Pamahalaang Bayan kaugnay ng data privacy compliance at protection measures, at ang mga susunod na hakbang upang matiyak ang transparency, accountability, at data security sa lahat ng serbisyong ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa publiko.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng dedikasyon sa pagtataguyod ng karapatan sa privacy ng bawat mamamayan, at sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng pampublikong serbisyo sa makabagong panahon.




















































Comments