Taytay Farmers Fair: Farmer's Month Celebration 2022


Courtesy: Taytay Public Information Office

Nitong Mayo 5, 2022, ginanap ang Taytay Farmers Fair na parte ng selebrasyon ng “Farmer's Month Celebration: Magsasakang Taytayeños Bida Ngayong Pandemya”, kung saan nagtipon-tipon ang iba’t-ibang grupo at organisasyon ng mga magsasaka at mangingisda dito ating bayan.


Nagkaroon din ng libreng gupitan sponsored ng Lana 300 at Madam Sephie Dayag para sa ating mga magsasaka, mangingisda, at urban farmers, at naging bukas ito sa ating Taytayeños hanggang 12:00 ng tanghali .


Courtesy: Taytay Public Information Office / Taytay Agriculture Office


Dinaluhan ito ng ating punongbayan George Ricardo Gacula II ang naturang selebrasyon.


Tayo ay nagpapasalamat sa ating Agriculture Office ng ating pamahalaang bayan sa pagkakaroon ng ganitong klaseng programa na naglalayong bigyang halaga ang sektor ng agrikultura at ipanawagan ang kanilang mga pangangailangan.


Maraming salamat sa lahat ng ating mga kababayan na nakiisa at congratulations sa mga nanalo sa ating patimpalak.

Recent Posts
Featured Posts