top of page

Taytay Earns High Functionality Rating in 2026 LCAT‑VAWC Assessment

Aug 20
1 min read

Taytay, Rizal recognized as High Functionality Rating' during the "2026 LCAT-VAWC Functionality Assessment.
Courtesy: Taytay Public Information Office

Kasama ang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa isang daan at labing-isang (111) Pamahalaang Lokal (LGU) sa CALABARZON Region ang nakakamit at kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang 'High Functionality Rating' sa isinagawang "2026 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment", batay sa performance ng LGU noong 2025.


Ang taunang pagsusuri ay sumusukat sa functionality at performance ng LGU batay sa komposisyon at organisasyon ng konseho, regular na pagpupulong, pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran, paglalaan ng kinakailangang badyet, at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata.


  • Courtesy: DILG IV-A
  • Courtesy: DILG IV-A

Courtesy: DILG IV-A


Kasama rin sa mga kinilalang LGUs ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Gov. Nina Ricci Ynares.


Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan at pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pagpapatupad ng mga mekanismo at programang naglalayong palakasin ang proteksyon at kapakanan ng kababaihan at mga bata.


Congratulations, Bayan ng Taytay!


Lagi't-laging Para sa Diyos, Bayan at Kababayan.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page