top of page

Taytay Commences House-to-House Cash Gift Distribution for Persons with Disabilities

  • Jul 16
  • 1 min read
Taytay's House-to-House Cash Gift Distribution to PWDs
Courtesy: Taytay Public Information Office

Inilunsad na nitong Hulyo 15, 2026 ang unang araw ng House-to-House Cash Gift Distribution para sa ating minamahal na mga Persons with Disabilities (PWDs), sa pangunguna nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA at Vice Mayor Jan Victor Cabitac, kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office at Municipal Treasury Office ng ating Pamahalaang Bayan.


Layunin nito na personal na maihatid ang Cash Gift sa mga benepisyaryong may limitadong kakayahang makalabas ng kanilang tahanan. Bilang prayoridad, ang mga PWD na may chronic illness ang unang binibisita upang matiyak na ligtas at maginhawa nilang matatanggap ang kanilang tulong pinansyal.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Nililinaw po namin na lahat ng kwalipikadong PWD ay makatatanggap ng Cash Gift, hindi lamang po ang mga may chronic illness ang mga benepisyaryo. Sila lamang ang kabilang sa unang batch ng House-to-House Cash Gift Distribution.


Sa mga hindi nakabilang sa unang batch, huwag mangamba dahil maglalabas pa ang Pamahalaang Bayan ng mga susunod na batch at iskedyul ng payout para sa iba pang kwalipikadong benepisyaryo. Hinihiling po namin sa lahat na hintayin lamang ang opisyal na anunsyo.


Patuloy ang ating Pamahalaang Bayan sa pagpapatupad ng mga programang nagbibigay ng suporta at pagkalinga sa ating mga PWD, bilang bahagi ng layunin nitong makapaghatid ng serbisyong may ngiti at walang naiiwan.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page