Taytay Back-to-School Spirit: Brigada Eskwela 2026
- 6 days ago
- 1 min read

Nakiisa kasama sina Vice Mayor Jan Victor Cabitac at ang 13th Sangguniang Bayan, kasama ang Department of Education (DepEd) - Rizal Superintendent Dr. Doris DJ. Estalilla, DepEd Taytay PSDS at Principals sa Casimiro A. Ynares, Sr. Memorial National High School nitong Hunyo 2, 2026.
Ang Brigada Eskwela ay taunang programa ng Department of Education na naglalayong pag-isahin ang mga guro, magulang, estudyante, lokal na pamahalaan, at mga volunteers sa paghahanda ng mga paaralan.
Courtesy: Mayor Allan De Leon
Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026 na may temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman", binigyan-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at dekalidad na pasilidad para sa maayos na pagkatuto ng mga mag-aaral, at muling ipinakita ng komunidad ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan sa paghahanda para sa darating na pasukan.
Opisyal na rin na sinimulan ang paglilinis at pagsasaayos ng mga paaralan bilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Kasama rin sa mga paghahanda ang mga piling empleyado mula sa ating pamahalaang bayan na i-dineploy sa iba't ibang public schools dito sa ating bayan.
Maraming salamat po sa lahat ng stakeholders dahil sa pagmamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral, guro at mga volunteers, inaasahan natin na Handa, Ligtas, at Payapa ang mga paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.












































































Comments