top of page

Taytay Among Top 5 Most Business-Friendly LGUs for Municipality Level

Sep 17
1 min read
Courtesy: PCCI Most Business-Friendly LGU Awards
Courtesy: PCCI Most Business-Friendly LGU Awards

Results Are Out!


Kabilang ang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa Top Five sa '2026 Most Business-Friendly Local Government Unit (MBFLGU) Awards – Municipality Level 1', na inilabas ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).


Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating Pamahalaang Bayan na magkaroon ng mas maayos, episyente at business-friendly na environment para sa mga negosyante, investors at iba pang stakeholders.


Top 5 Recognized LGUs Under Municipality Level 1 for PCCIs Most Business-Friendly Awards 2026
Courtesy: PCCI Most Business-Friendly LGU Awards

Sa patuloy na paglago ng ating bayan bilang sentro ng negosyo at industriya sa Rizal, mahalagang bahagi nito ang pagkakaroon ng isang lokal na pamahalaang katuwang ng ating mga business owners sa pagsusulong ng kanilang mga negosyo.


Ang mga kabilang sa Top 5 LGUs ay uusad sa Final Judging, kung saan magkakaroon sila ng pagkakataong ipakita ang kanilang mga programa, inisyatibo, at best practices sa harap ng Board of Judges.


Congratulations Taytay, Rizal! Isang hakbang na naman ito sa patuloy nating pagbuo ng isang mas masigla, mas episyente at mas business-friendly na Bayan.


Para sa Diyos, Bayan at Kababayan!



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page