Tagumpay ng Taytay, Tagumpay ng Taytayeño
- Mar 12
- 1 min read

Isang malaking karangalan para sa ating bayan na ang Taytay ay itinanghal bilang Rank 2 sa mga 1st to 2nd Class Municipalities sa buong bansa sa ilalim ng Department of Trade and Industry – Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) para sa taong 2024.
Ang pagkilalang ito ay batay sa kabuuang marka ng mga bayan sa limang mahahalagang haligi: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation na mga sukatan na nagpapakita ng lakas ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya, mahusay na serbisyo publiko, at patuloy na inobasyon para sa kapakanan ng mamamayan.
Patunay lamang ito na ang ating bayan ay patuloy na umuunlad at kinikilala bilang isa sa mga nangungunang bayan sa bansa pagdating sa mahusay na pamamahala at progresibong kaunlaran.
Maaring makita ang kumpletong datos at rankings para sa 1st to 2nd Class Municipalities sa pagbisita sa cmci.dti.gov.ph website.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan, ng bawat tanggapan ng munisipyo, ng pribadong sektor, at higit sa lahat ng mga Taytayeño na patuloy na nakikiisa sa pag-unlad ng ating komunidad.
Sa pamumuno ng ating lokal na pamahalaan, lalo pang paiigtingin ang mga programa at serbisyong magtutulak sa Taytay tungo sa mas inklusibo, matatag, at progresibong kinabukasan.
Mabuhay ang Taytay! Mabuhay ang mga Taytayeño! Patuloy tayong magsama-sama sa paghahatid ng Serbisyong may Ngiti na Para sa Diyos, Bayan at Kababayan!








































Comments