Tablets For Public School Students


Courtesy: Taytay Public Information Office

Batid ng ating Pamahalaang Bayan ang hirap at kakulangan sa kagamitan ng mga estudyante ngayong online class sa gitna ng nararanasan nating pandemya.

Video From Taytay Public Information Office Facebook Page


Bilang tugon sa kanilang pangangailangan, naglaan ang Taytay LGU ng tablet units para sa mga Grade 11 at 12 students mula sa pampublikong paraalan ng Taytay Senior High School. Nai-turn over ang 1,700 tablet units noong June 29 ng sa tanggapan ni Dr. Merliton A. Berlin, Taytay District Supervisor.

Photos Courtesy: Taytay Public Informartion Office


Kahapon ay sinimulan na ang pamamahagi nito at inaasahang matatapos sa Sabado.


Lubos ang pasasalamat na ipinaaabot ng mga magulang, estudyante, at maging ang sektor ng edukasyon sa tulong na hatid ng ating butihing Mayor George Ricardo Gacula II.


Paalala nila ang ibayong pag-iingat sa mga kagamitan na kanilang ipamimigay.

Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts