Strengthening Gender Equality: Taytay LGU and DENR-LMB Inks MoU
- Apr 15
- 1 min read

Isinagawa nitong Abril 14, 2026 ang Memorandum of Understanding (MOU) Signing Ceremony sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal at ng Department of Environment and Natural Resources – Land Management Bureau (DENR-LMB) para sa implementasyon ng mga Gender and Development (GAD) Activities at Programs ng nasabing ahensya dito sa ating Bayan.
Pinangunahan ang seremonya nina Honorable Mayor Allan Martine De Leon, MPA at DENR-LMB Assistant Director Atty. Marlou P. Alutaya, katuwang sina GAD Chairperson at LPPD Chief Ms. Maria Gina F. Pascua at Municipal GAD Focal Person Ms. Ammilyn E. Naval.
Naging saksi rin sa pagtitipong ito sina Honorable Councilor Rulf Marius Valera, Hon. Kristofer Charls Esguerra, Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven Mendoza, MPA, Ms. Concepcion Viray, REA ng Assessor's Office at Taytay MLGOO Mr. Rex Miranda.
Courtesy: Assessors Taytay, Rizal and Taytay Public Information Office
Layunin ng nasabing kasunduan na palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at DENR-LMB sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng gender equality, women empowerment, at inclusive development.
Sa pamamagitan ng MOU na ito, inaasahang mapapalakas ang implementasyon ng mga capacity-building activities, technical assistance, at iba pang GAD-responsive initiatives na magpapalawak ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa mga programang pangkaunlaran ng pamahalaan.
Taos-pusong nagpapasasalamat ang ating Pamahalaang Bayan sa Department of Environment and Natural Resources – Land Management Bureau (DENR-LMB) sa kanilang pakikiisa at patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng inklusibong pamamahala dito sa ating bayan.


























































Comments