top of page

SOGIESC and HIV Awareness Seminar

Seminar on SOGIESC and HIV Awareness
Courtesy: Taytay Public Information Office

Pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Office katuwang ang Municipal Health Office (MHO) – Social Hygiene Clinic ng ating Pamahalaang Bayan ang isinagawang SOGIESC and HIV Awareness Seminar nitong nakaraang Hunyo 26, 2025.


Layunin ng seminar na ito na palalimin ang kaalaman ng mga lumahok hinggil sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC), gayundin ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV). Layunin din nitong palakasin ang kamalayan ng publiko upang maiwasan ang diskriminasyon at stigma na kadalasang nararanasan ng LGBTQIA+ sector at mga taong nabubuhay na may HIV.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Nagbahagi ng mahahalagang impormasyon ang mga tagapagsalita mula sa MHO-Social Hygiene Clinic ukol sa mga paraan ng HIV transmission, mga hakbang sa prevention tulad ng safe sex practices, at ang kahalagahan ng maagang pagpapasuri. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging inclusive at makatao sa pagtrato sa lahat, anuman ang kanilang SOGIESC.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month at patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lokal para sa isang ligtas at inklusibong komunidad.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page