top of page

SMILE Urban Gardening Augmentation Taytay (UGAT): Seminar on Urban Gardening and Hydroponics

  • Sep 25, 2025
  • 1 min read
Courtesy: Taytay Agriculture Office / Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Agriculture Office / Taytay Public Information Office

Pinangunahan ng Taytay Agriculture Office ang Seminar on Urban Gardening and Hydroponics nitong Setyembre 24, 2025 na ginanap sa Muzon National High School. Dinaluhan ang naturang seminar ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang.


Layunin ng programang ito na mapalakas ang mga gulayan sa paaralan at mga community garden sa ating bayan, at maibahagi ang tamang kaalaman at makabagong pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng gulay, kabilang ang paggamit ng hydroponics—isang pamamaraan ng pagtatanim na hindi nangangailangan ng lupa.



Courtesy: Taytay Agriculture Office / Taytay Public Information Office


Bilang suporta sa mga kalahok, namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Taytay ng iba’t ibang kagamitang panghalaman tulad ng assorted seedlings (upo, kalabasa, talong, okra, at kamatis), 140 packs ng assorted seeds, 1 litro ng organic fertilizer, 1 litro ng organic pesticide, 2 piraso ng trellising twine, at 1 set ng 1 litro ng Hydroponics Solution.


Sa pamamagitan ng proyektong ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang sustainable urban gardening bilang hakbang tungo sa mas ligtas, masustansya, at mas maunlad na komunidad, kung saan bawat kabahayan at paaralan ay may kakayahang magtanim ng sariling pagkain.


Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page