top of page

SMILE Taytay Farmers' and Fisherfolks Day 2025


Courtesy: Taytay Public Information Office
Courtesy: Taytay Public Information Office

Tuwing buwan ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda. Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa ating bayan, nagsama-sama ang ating mga minamahal na magsasaka at mangingisda sa isang makabuluhang pagdiriwang — ang SMILE Taytay Farmers' and Fisherfolks' Day, na ginanap mitong nakaraang ika - 30 ng Mayo 2025 sa Municipal Grounds. Pinangunahan ito ng Taytay Agriculture Office sa pamumuno ni Doc Ramsen Andres, DVM.


Layunin ng aktibidad na ipakita ang suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura at pangingisda, at upang pasalamatan ang mga magsasaka at mangingisdang patuloy na nagsusumikap upang masiguro ang seguridad sa pagkain ng bawat mamamayan.



Courtesy: Taytay Public Information Office / Taytay Agriculture Office


Tampok sa programa ang exhibits ng mga lokal na produkto tulad ng mga gulay, isda at mga iba pang agrikultural na produkto mula sa ating mga magsasaka at mangingisda. Isa itong araw ng kasiyahan at pagkakaisa — isang patunay na ang bawat butil ng pawis ng ating mga bayani sa bukid at dagat ay tunay na pinahahalagahan.


Mula sa Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, aming ipinaaabot ang pagsaludo at pagkilala sa mga dakilang magsasaka at mangingisda ng ating bayan!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page