top of page

SMILE PAWNEC: Digital Vaccination Record

  • Feb 11
  • 1 min read
PAWNEC: Digital Vaccination Record
Screenshot Courtesy:Taytay Agriculture Office

Para po sa lahat ng pet owners (aso at pusa) sa ating bayan, hinihikayat po ang lahat na magparehistro na ng kanilang alaga sa SMILE PAWNEC: Digital Vaccination Record. Ito ay opisyal na po nating gagamitin sa pagbabakuna kontra rabies. Ang naturang e-health card para sa mga alaga ay paperless, madaling ma-access sa health records ng inyong alaga, at may mga paalala kapag malapit na ang bakuna ng inyong alaga.


Para magkapag-register, narito ang step-by-step procedures kung paano magkaroon ng SMILE PAWNEC e- Health Card:


1. Pre - Register: Magregister sa pagbisita sa Pawnec Pet ID creation, o i-scan ang QR Code na nasa ibaba:


PAWNEC: Digital Vaccination Record
Screenshot Courtesy: Taytay Agriculture Office

2. Register: I-set up ang profile ng inyong alaga.


3. Vaccinate: Dalhin ang inyoing pababakunahang alaga sa ating Municipal Agriculture Office (likod ng New Taytay Public Market at malapit sa Taytay Capital Tiangge), o sa nakatakdang schedules ng PAWtektado sa inyong lugar.


Siguraduhin po na dala ang inyong smartphone na mayroong data connection upang ma-record ang bakuna ng inyong alaga. Libre po ang pagpaparegister at ang bakuna.


Maaring ninyong bisitahin ang karagdagang detalye patungkol sa e-health card sa PAWNEC Website. Para sa katanungan, maaring makipagugnayan sa ating Municipal Agriculture Office sa pamamagitan ng kanilang opisyal na sulatroniko: agriculture@taytayrizal.gov.ph, o sa kanilang Taytay Agriculture Office Facebook Page.


Ang programang ito ay hatid sa atin ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal sa pamumuno ng ating Punong Bayan Hon. Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at 13th Sangguniang Bayan, at sa pamamagitan ng Taytay Agriculture Office.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page