top of page

Smile Outdoor & Leisure Park: Taytay’s New Haven for Wellness and Community

  • Jul 30
  • 1 min read

Grand Opening of Taytay’s Smile Park: Where Leisure Meets Wellness
Courtesy: Taytay, Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office

Isang malaking tagumpay para sa kalusugan at kagalingan ng bawat pamilyang Taytayeño ang naganap na pagbubukas ng SMILE Outdoor & Leisure Park nitong Hulyo 29, 2026.


Ang bagong luntian, ligtas, at modernong parke na matatagpuan sa Ejercito Avenue, Barangay Sta. Ana ay inihahandog ng lokal na pamahalaan bilang isang komportableng espasyo kung saan malayang makakapaglaro ang mga bata, makakapag-ehersisyo ang kabataan, at payapang makakalanghap ng sariwang hangin ang ating mga senior citizens. Patunay ito na ang buwis ng mamamayan ay direktang bumabalik sa komunidad sa pamamagitan ng mga proyektong nagpapataas ng kalidad ng buhay ng pamilyang Taytayeño.



Courtesy: Taytay, Rizal Municipal Tourism and Cultural Affairs Office


Ang makasaysayang pagbubukas at ribbon cutting ay pinangunahan nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, 13th Sangguniang Bayan, Municipal Engineering Office at Taytay Tourism Office. Kasama rin sa naturang kaganapan si Department of Interior and Local Government (DILG) - Rizal Provincial Director Mr. Lionel L. Dalope, CESO V bilang panauhing pandangal.


Mga kababayan, bukas na po ang parke para sa inyong lahat! Sama-sama nating gamitin, tamasahin, at pangalagaan ang kalinisan ng ating bagong pasilidad.


Sabay-sabay nating salubungin ang mas malusog na bukas nang may ngiti at sigla! Let's Smile Taytay!

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page