Shop Made in Taytay Preparations and Courtesy Visit.
- Taytay, Rizal
- Oct 23
- 1 min read
Updated: Oct 27
Courtesy: Taytay, Rizal Tourism Office
Masayang ibinabalita ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal na ang “Shop Made in Taytay” ay gaganapin sa SMX Clark, Pampanga sa darating na Nobyembre 14–16, 2025 mula 10:00 AM hanggang 10:00 PM.
Bilang bahagi ng mga paghahanda, matagumpay na naisagawa ang courtesy visit sa Department of Trade and Industry (DTI) Pampanga OIC-CTIDS Ms. Cristina Evangelista at kay Mabalacat, Pampanga Tourism Officer Mr. Arwin Lingat.

Kasama rin sa naturang pagbisita ang mga organizer ng Shop Taytay na sina Ms. Bea Alvarez, Ms. Michelle Shaik, Jill Jay, Ms. Evans Garcia ng Local Economic and Development Investment Promotions Office (LEDIPO) - Taytay, Ms. Sharon Fojas-Dioco ng DTI, Ms. Jona Andaya ng DTI - Rizal kasama si Taytay, Rizal Tourism Officer Mr. Roel Supendio, MBA.
Layunin ng programang ito na higit pang maipakilala at maitaguyod ang mga produktong gawang Taytay, tampok ang humigit-kumulang 70–80 exhibitors ng garments at MSMEs mula sa ating bayan.
Courtesy: Taytay, Rizal Tourism Office
Para sa karagdagang detalye at updates, maaring ninyong bisitahin ang Facebook Pages ng Shop Taytay at Taytay, Rizal Tourism Office
Lubos ang ating pasasalamat kina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Vice Mayor Jan Victor Cabitac, at sa Ika-13 Sangguniang Bayan sa kanilang walang sawang suporta sa mga programang nagtataguyod ng lokal na produkto at kabuhayan ng mga Taytayeño.
Sama-sama nating itaguyod ang Gawang Taytay, Gawang Garantisado!


























































Comments