Serbisyong May Ngiti, Kinilala: Taytay Hinirang Bilang Top Performing Municipality at LGU Exemplar ng DILG
- Taytay, Rizal
- Nov 7
- 1 min read

Kinilala ang Bayan ng Taytay, Lalawigan ng Rizal bilang 'Top Performing Municipality at Local Government Unit Exemplar' sa ginanap na 2025 CALABARZON Subaybayani Awards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang parangal na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon, malasakit, at maayos na pamamahala ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA katuwang ang mga lokal na opisyal, mga kawani at mamamayang Taytayeño.
Courtesy: Taytay Public Information Office and Mayor Allan De Leon
Mula sa mga programang nagtataguyod ng transparency, innovation, at people participation, hanggang sa mga proyektong tunay na ramdam ng bawat pamilya—ipinapakita natin na ang Serbisyong May Ngiti ay tunay na nakakaabot sa ating mga kababayan.
Congratulations Taytay! Lagi't-laging para sa Diyos, Bayan at Kababayan!






















































Comments