top of page

Seminar on Anti-Sexual Harassment and CODI Mechanisms

  • Aug 11, 2025
  • 1 min read
GAD's Seminar on Anti-Sexual Harassment and CODI Mechanisms
Courtesy: Taytay Public Information Office

Ginanap nitong Agosto 7, 2025 ang "Seminar on Anti-Sexual Harassment and CODI Mechanisms", na pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Office ng ating Pamahalaang Bayan. Dinaluhan ito nina Konsehal John Tobit Cruz, Konsehal Kristofer Charls Esguerra, ilang department heads at GAD focal persons mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


Na may temang “Safe and Respectful Workplaces: Strengthen CODI and GAD in Action”, layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga empleyado sa nilalaman ng Anti-Sexual Harassment Act of 1995 (R.A. 7877) at palakasin ang pag-unawa sa tungkulin ng Committee on Decorum and Investigation (CODI) bilang mekanismong tumutugon sa mga kasong may kinalaman sa sexual harassment sa loob ng workplace.


Courtesy: Taytay Public Information Office


Binigyang-diin ng mga panauhing tagapagsalita na sina Ms. Joyleene Grace Paz mula sa Human Resource and Managament (HRM) Office, Municipal Legal Services Officer Atty. Czarmaine Angeli T. Villalobos, MPA, at Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven M. Mendoza, MPA ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas, pantay, at inklusibong kapaligiran sa trabaho. Tinalakay rin nila ang mga konkretong hakbang sa pagresolba ng mga kaso, ang papel ng CODI, at ang karapatan ng mga biktima laban sa anumang uri ng pang-aabuso o diskriminasyon.


Ang seminar ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Taytay na tiyaking ang bawat lugar ng trabaho sa pamahalaan ay may kultura ng respeto, dignidad, at pagkakapantay-pantay.


Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page