School Vaccination For Kids



Sa patuloy na pagbabakuna sa ating bayan, maraming kababayan na ang nabigyan ng kanilang partial / full / booster shot ng COVID vaccines sa ating mga vaccination sites.


Kasabay nito, magsisimula na ang pagbabakuna para sa ating kabataang Taytayeños edad 5 hanggang 11 years old sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa ating bayan sa pangunguna ng Municipal Health Office.

Courtesy: Mayor Joric Gacula

Para sa mga public at private schools na interesado:


Magsulat o gumawa po kayo ng Letter of Request na naka-address sa ating butihing Hon. George Ricardo R. Gacula II, at ipasa ito sa tanggapan ng ating Administration Office, 2nd Floor, Taytay Emergency Hospital .


Para sa mga magulang na gustong ipabakuna ang kanilang mga anak:


Sa mga magulang na gusto po na pabakunahan ang kanilang mga anak, makipag-ugnayan lamang po sa inyong mga eskwelahan para sa schedule at requirements na kinakailangang dalhin.


Patuloy pa rin ang bakunahan sa ating bayan. Para sa schedules at kung saang vaccination sites pwede magpabakuna, at karagdagang impormasyon, bisitahin lamang po ang Facebook Page ng Municipal Health Office.



Recent Posts
Archive

Emergency Hotlines

Featured Posts