top of page

SaBaTa Festival 2025

Updated: Jun 27

Taytay's SaBaTa Festival 2025
Courtesy: Taytay Public Information Office

Sa bawat indak at ngiti ng mga deboto, ramdam ang buhay na pananampalataya at kultura ng ating bayan. Ang tambol ng selebrasyon ay hindi lamang alingawngaw ng kasiyahan, kundi himig ng pasasalamat at pananalig. Sa bawat pagbuhos ng tubig, inalala natin ang dakilang pagbibinyag ni San Juan Bautista, ang tagapagbigay-daan sa Panginoon.


Nitong nakaraang Hunyo 24, 2025, ginunita ang taunang Santong Basaan sa Taytay (SaBaTa) Festival sa Bayan ng Taytay. Pinangunahan ni Most Rev. Francis De Leon - Bishop Emeritus ng Diocese ng Antipolo ang maringal na Fiesta Mass.



Courtesy: Taytay Public Information Office / Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist - Taytay, Rizal


🎶𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯 𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯, 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘭𝘢𝘸 𝘬𝘢 𝘢𝘵 𝘨𝘢𝘣𝘢𝘺,

𝘋𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘳𝘢𝘯𝘨.

𝘒𝘢𝘮𝘪'𝘺 𝘪𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘺𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭,

𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯. 🎶


Sa ilalim ng iyong patnubay, nawa’y manatiling matatag ang aming pananampalataya, buhay ang aming kultura, at bukas ang aming puso sa paglilingkod sa kapwa.


Maligayang Kapistahan, San Juan Bautista! Muli naming binubuksan ang aming mga puso’t isipan upang sariwain ang iyong buhay na puno ng kababaang-loob, tapang, at matatag na pananampalataya.




Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page