top of page

Rizal Information Officers Strengthens Coordination Through General Meeting

  • Jun 30
  • 1 min read
Taytay Hosts the Rizal Information Officers' League General Meeting
Courtesy: Taytay Public Information Office

Naging host ang Pamahalaang Bayan ng Taytay sa isinagawang Rizal Information Officers' League (RIOL) General Meeting noong Hunyo 26, 2026, kung saan nagsama-sama ang mga Information Officers mula sa iba't ibang bayan at lungsod ng Lalawigan ng Rizal upang magbahagi ng mga programa, inisyatiba, at mahahalagang kaganapan sa kani-kanilang nasasakupan.


Tampok sa pagpupulong ang talakayan hinggil sa mga programa at interventions ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinangunahan ni DTI Rizal Provincial Director Ms. Sharon Fojas-Dioco, na nagbigay-linaw sa mga serbisyong nakatuon sa mga programang pagpapaunlad ng kabuhayan at suporta sa mga lokal na negosyo.



Courtesy: Taytay Public Information Office


Nagbahagi rin ng mahahalagang pananaw si Atty. Gilbert Lauengco, Director ng Center for Alternative Election Reforms (CAER) at kolumnista ng Philippine News Agency, sa paksang "Information Officer’s Role in Strengthening Electoral Literacy, Transparency, and Civic Participation," na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga Information Officers bilang tagapagtaguyod ng tamang impormasyon, mabuting pamamahala, at aktibong pakikilahok ng mamamayan.


Nagbigay rin ng mensahe ng suporta at pakikiisa sina Philippine Information Agency (PIA) - CALABARZON Regional Director Ma. Cristina Arzadon, Rizal 1st District Board Member Philip Jeison "Papoo" Cruz, Councilor Carizza Cortez at Municipal Administrator Atty. Aldrick Daven Mendoza, MPA, na kapwa nagpahayag ng kanilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga Information Officers sa pagpapalakas ng ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.


Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang mga programang nagpapalawak ng kaalaman, nagpapalakas ng kooperasyon, at nagpapatibay sa papel ng komunikasyon bilang tulay tungo sa isang mas mulat, aktibo, at matalinong pamayanan.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
header-website.jpg
bottom of page